Chapter 3, The Reason Why He Became a
Servant
Nung Bata ako, madalas
akong isama ng nanay ko at mga tiyahin, tiyuhin ko sa Grotto. Alam nyo naman
kung saan yun diba? Sa may Bulacan, oo, at kasama ko ang mga nakababata kong
mga pinsan nun. Masayang-masaya ako kapag nag-sisimba kami dun, kasi para sa
akin, ibang mundo yun, curious na curious ako sa mga nag-serve dun sa simbahan
na yun, kaya pag nag-sisimba kami dun eh tinitignan ko yung mga matatanda na
nag-serve dun sa simbahan. Na-realize ko na ganun pala yun. Na-kailangan mong
mag-serve kay Papa God. Kasi Siya yung nag-bigay sa iyo ng Buhay at mga Biyaya
sa araw-araw. Kaya noon, pinangarap ko na isang araw eh magiging Servant din
ako ni Papa God. At Dininig naman niya ang mga prayers ko, naging isang servant
din ako, sa isang catholic church, malapit dito sa amin. Sinunod ko ang tawag
ng tungkulin sa akin ng Diyos Ama. Nag-umpisa sa pagiging saling-pusa sa choir,
naging sacristan, at ngayon eh isa nang ganap na Commentator/Lector: yung taga
sagot at taga-basa ng Salita ng Diyos sa Misa. Nag-simula yun nung 10 years old
ako.
Pero siyempre, tao akong
nilikha Niya, nagkakamali din ako at natutukso.nakakagawa din ng kasalanan. Madami
na rin Siyang binigay na mga pagsubok sa akin, na halos umiyak na ako at sumuko
dahil sa Hirap. Pero magpa-hanggang ngayon, Servant pa din Niya ako, kahit
naging Bisexual ako, Servant pa din Niya ako. Kasi alam ko, kahit ganito ako,
Hindi niya ako Itatakwil. Dahil Mahal na Mahal Niya ako, at Mahal na Mahal ko
din siya. Alam ko yan, at bakit ko nasasabi ang mga iyan, dahil sa mga
nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung hindi Niya ako mahal sa tingin niyo ba?
Magiging Servant ba Niya ang isang tulad ko?Malamang kung tunay na mga lalake
lang ang gusto niyang Mag-serve sa kanya eh hindi ako papasa, hindi niya ako
tatanggapin. Kaya nga diba? Sinabi ko din dito sa Bi Out Loud, na nakaka-relate
ako sa kwentong “Ganito ako Ginawan ng Diyos”. Kasi nga ang Diyos Ama ay hindi
Mapanghusgang Ama. Hindi siya tumitingin sa kung ano ang kasarian ng isang tao. kasi kung ganun nga,
bakit may mga Baklang Pari, (pasintabi po sa mga Pari diyan, mahal ko po kayo
at nirerespeto ko po kayo.) Hindi ba? Bakit niya ako ginawang Servant niya?,
kasi may Dahilan Siya. At tinatanggap ko yun.
Nag Sermon ba ako? Nag explain lang po ako kung Bakit
ako naging Servant. At sinabi yung punto ko kung bakit ako isang Bisexual na
Servant.
Tapos. Up Next Chapter 4, The Sexual
Life of the Servant