-eto na po yung part 2 ng aking love story.
"Ang kwentong ito ay totoong salaysay ng may-akda, sadyang hindi binigay ang buo at totoong pangalan ng kanyang ex-love classmate, para mapangalagaan ang pagkatao ng ikinukuwento ng may-akda. Maari po kayong mag-komento, pagkatapos ninyong mabasa ang kanyang salaysay, maraming salamat po."
-2nd Sem, 2nd year ako nun, February 2010, Intramurals namin, kasi Foundation Day ng School namin. nang mag laro sila Kuya Aries ng Basketbol. nag-prapractice sila nung araw na yun...grabeh! galing niyang mag-shoot...ng sablay! toinkz! ehehe! kasi naman! sumasablay kasi mga tira niya. pero nakaka-shoot pa rin naman kung minsan... nung nag break sila sa practice. kinuha niya yung bote ng mineral water niya sa akin. gawin daw ba akong P.A! ehehe! di ok lang yun. pero bago niya inabot yung tubig niya, hinubad muna niya ang jersey niya... umiwas ako ng tingin, pero nakita ko pa rin ang may abs niyang tiyan na pawisin... shit! nalilibugan ako! sabi ko sa sarili ko, pero may halong pagmamahal. pagkapalit niya ng jersey, ngumiti siya, sabay sabing "thank you". nag blush ako...pero di na niya nakita kasi bumalik na siya sa practice.
-Nang maglaban na sila ng mga taga HRS. naging mainit ang laban. nag cheer kaming lahat ng educ sa kanila. all level infairness. nakita kong binabalya siya ng mga kalaban niya, pero, wala akong magawa, kasi di naman ako marunong magbasketbol. kung marunong lang sana ako...at kung hindi ako takot sa bola...haist!. at ang masaklap pa nun... natalo sila...nakita ko ang lungkot sa mukha niya. pero di na lang ako umimik.
-Gumanti kami, lumaban kami ni Kuya Aries sa Cheerdance Competition, ang sesesksi ng mga babae naming kaklase sa suot nilang pang cheerdance. inggit nga ako ehehe.... pero ok lang, kasama ko naman si Kuya Aries, na nakalimutan ko palang i-mention na hawig kay Papa Dennis Trillio. hala, sige! sayaw naman kami, may pahagis-hagis pang kasama. pero ayun! yung mga nursing students pa rin na nagkalat sa performance ang panalo...luto ang laban, sabi ni Kuya Aries.
-Natapos na ang isang linggo ng Foundation Week namin, balik na naman sa pag-aaral, pre-finals na nang magapag-usapan ng mga kaklase ko ang tungkol sa Lovelife ni Kuya Aries. sa Classroom, nag-uusap ang mga kaklae ko, nakikinig lang ako nun:
Glaisa- "Ang Friendly talag ni Kuya Aries ano?"
Thelma- "oo nga eh, at masipag mga-aral".
Raffy- Kuya Aries, may Girlfriend ka na ba?
-iaantay ko ang sagot niya...hangaang sa inamin niya ang totoo...
Kuya Aries: "oo, may girlfriend na ako...matagal na kami at malapit na kaming magpakasal..."
-masaya sila, pero ako hindi, nang marinig ko ang mga katagang iyon. katulad nga ng sinasabi ng iba, gumuho ang mundo ko nung binaggit na yung mga katagang yun... at syempre, na Broken Hearted ang lolo nyo...
"This is the Life Blog of a Disecret Bisexual Male Teacher."
Tuesday, September 21, 2010
Mahal Ko si Kuya Aries Part 1
"Ang kwentong ito ay totoong salaysay ng may-akda, sadyang hindi binigay ang buo at totoong pangalan ng kanyang ex-love classmate, para mapangalagaan ang pagkatao ng ikinukuwento ng may-akda. Maari po kayong mag-komento, pagkatapos ninyong mabasa ang kanyang salaysay, maraming salamat po."
-Itago niyo na lang po ako sa Pangalang Xavier Randol, tutal, yan naman po talaga codename ko simula ng magsulat ako sa bisexual blog ko at nang maging isang diescret bi ako. 23 years old, single, 3rd year college, Elementary Education Student, sa isang Kolehiyo, Somewhere in Quezon City.
-Sa ngayon, nakakaya ko pa nag nakaka-stress na mga pagsubok sa buhay ko, bilang isang "Future Teacher". sa tulong ng Parents ko, na pinag-aaral ako, ng Ate kong medyo strict man eh masipag namang tulungan ako at i-motivate, kasi po teacher siya sa isang private elementary school, sa tlong ng mga teachers ko, na walang sawang sinisermona ako ehehe...at syempre, sa mga kapwa ko 3rd year, Educ Students na para ko na ring mga ate at kuya, mga kapatid ang turing...at isa sa mga kaibigan ko...si Kuya Aries.
-Si Kuya Aries ay isang Pre-school Teacher sa isang Christian Church, somewhere in Quezon City. 38 years old, matipuno ang pangangatawan, kasi nag gy-gym siya sa kanilang bahay, maputi, balidoso sa katawan, yung tipong metrosexual, mga nasa 5'7 ang height (mas matangkad po ako sa kanya, mga 5'10 po ako). at mahilig magbasketbol.
-Ang hilig ni kuya Aries sa School, magpatawa, mang-asar, katulad ng best-friend namin na si Kuya Vergel. ako lagi punterya nila pag nag-aasaran sila. mula sa paghaba ng buhok kong emo look noon, pagiging payat ko, at pagiging hawig kay empoy, and last but not the least...maitim. ang saklap ng buhay ko noh?...pero sa kabila ng lahat...ehem! scholar po ako hanggang ngayon na 3rd year ako. wala eh! matalino eh! etchoz! haha!.
-Nung una, ilang ako sa kanila, kasi nga transferee ako, pero nang lumaon, ayun! maingay, pala-asar, palatawa at marami na ring friends sa school. naging close friends kami ni Kuya Aries...hanggang sa isang araw...naramdaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya...
-Itutuloy..
Sunday, July 11, 2010
kala ko. makaka-move on na ako.
di pa pala..... habang nakikita ko si aries.....ewan ko....bumabalik yung pagiging gago ko sa kanya. shit! :-[
Friday, June 4, 2010
Summer Break
-Sa ngayon, hindi ko na naiisip si Aries. hindi dahil, bakasyon pa rin hanggang ngayon at wala pang pasok......kundi ..... ayaw ko na siyang isipin.
- Sa lugar namin, somewhere dito sa Quezon City. may mga lalake akong nakikilala.
-yung iba, nag serve sa Church malapit sa amin,
-yung iba, contruction workers dito sa amin,
-may mga nagtatarbaho sa pabrika at may nagtatarbaho sa ice cream factory.
-pero teka lang! hindi po ako flirt! ehehe! hindi ko po sila mga boyfriend. just friends lang....
- Time out muna ako sa lovelife ko.
-Speaking of "Ice Cream Factory", may isang guy doon na natatangi ang kaguwapuhan at kakisigan. itago na lang natin siya sa pangalang " Raymond". si Raymond ay isang 5"5 in height, maputi, medyo chub at ka-look a like ni wu chun. mga nasa 30 yrs old po siya at straight guy.
-minsan, naiinis ako sa kanya kasi.... pa- cute kasi isya masyado. balita ko, babaero yung lalakeng yun at napapansin ko ngang lapitin siya ng mga babae sa aming baryo.
-Minsan nga, nakainuman niya si papa, sa kapit-bahay namin, tinitigan niya ako. ayaw ko nagang tumingin sa kanya kasi.... na coconcious ako at baka isipin niya, gusto ko siya. Pero huwag kayo, tinititigan ko siya ng palihim, few blocks away sa window ng bahay namin. hmmmmm! ang gwapo niya! sabi ko. kaya lang.... ano ba ito? parang inlababo na naman ako! haist!

Thursday, April 8, 2010
Minsan....
Bakit?
Monday, March 1, 2010
hanggang kailan ako magpapanggap?
yan ang tanong ko sa sarili ko, kasi pagod na ako eh......pinipilit kong magpaka-lalake, maging matatag, maging malakas, pero alam ko sa sarili ko. im a bi. natatakot nga ako, one day, malaman ni aries ang totoo, kasi, pakiramdam ko, nagdududa na siya sa gender ko. i don't know wahat i'm going to do. kung mangyari yun, baka, pandirihan na niya ako at kalimutan na niya ang friedship namin...... :-[
Subscribe to:
Posts (Atom)