Thursday, January 24, 2013

Chapter 3, The Reason Why He Became a Servant


Chapter 3, The Reason Why He Became a Servant



                      Nung Bata ako, madalas akong isama ng nanay ko at mga tiyahin, tiyuhin ko sa Grotto. Alam nyo naman kung saan yun diba? Sa may Bulacan, oo, at kasama ko ang mga nakababata kong mga pinsan nun. Masayang-masaya ako kapag nag-sisimba kami dun, kasi para sa akin, ibang mundo yun, curious na curious ako sa mga nag-serve dun sa simbahan na yun, kaya pag nag-sisimba kami dun eh tinitignan ko yung mga matatanda na nag-serve dun sa simbahan. Na-realize ko na ganun pala yun. Na-kailangan mong mag-serve kay Papa God. Kasi Siya yung nag-bigay sa iyo ng Buhay at mga Biyaya sa araw-araw. Kaya noon, pinangarap ko na isang araw eh magiging Servant din ako ni Papa God. At Dininig naman niya ang mga prayers ko, naging isang servant din ako, sa isang catholic church, malapit dito sa amin. Sinunod ko ang tawag ng tungkulin sa akin ng Diyos Ama. Nag-umpisa sa pagiging saling-pusa sa choir, naging sacristan, at ngayon eh isa nang ganap na Commentator/Lector: yung taga sagot at taga-basa ng Salita ng Diyos sa Misa. Nag-simula yun nung 10 years old ako.




                   Pero siyempre, tao akong nilikha Niya, nagkakamali din ako at natutukso.nakakagawa din ng kasalanan. Madami na rin Siyang binigay na mga pagsubok sa akin, na halos umiyak na ako at sumuko dahil sa Hirap. Pero magpa-hanggang ngayon, Servant pa din Niya ako, kahit naging Bisexual ako, Servant pa din Niya ako. Kasi alam ko, kahit ganito ako, Hindi niya ako Itatakwil. Dahil Mahal na Mahal Niya ako, at Mahal na Mahal ko din siya. Alam ko yan, at bakit ko nasasabi ang mga iyan, dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung hindi Niya ako mahal sa tingin niyo ba? Magiging Servant ba Niya ang isang tulad ko?Malamang kung tunay na mga lalake lang ang gusto niyang Mag-serve sa kanya eh hindi ako papasa, hindi niya ako tatanggapin. Kaya nga diba? Sinabi ko din dito sa Bi Out Loud, na nakaka-relate ako sa kwentong “Ganito ako Ginawan ng Diyos”. Kasi nga ang Diyos Ama ay hindi Mapanghusgang Ama. Hindi siya tumitingin sa kung ano ang  kasarian ng isang tao. kasi kung ganun nga, bakit may mga Baklang Pari, (pasintabi po sa mga Pari diyan, mahal ko po kayo at nirerespeto ko po kayo.) Hindi ba? Bakit niya ako ginawang Servant niya?, kasi may Dahilan Siya. At tinatanggap ko yun.



                          Nag Sermon  ba ako? Nag explain lang po ako kung Bakit ako naging Servant. At sinabi yung punto ko kung bakit ako isang Bisexual na Servant.



Tapos. Up Next Chapter 4, The Sexual Life of the Servant

No comments:

Post a Comment