Thursday, January 24, 2013

Continuation of Chapter 3, the Adolescence of the Servant


“Kamusta kayo? Na Miss nyo ba ako? At mga stories ko? Well, eto na nga, ang karugtong ng Chapter 2, ng The Servant, at may Bonus pang Chapter 3! Kasi nga di ba?  Matagal din akong nawala, at nakalipas na ang Pasko, pero kahit ganoon eh Belated Merry Christmas parin sa lahat! At Happy New Year! Maraming Salamat sa Pag-babasa nyo ng blog ko! ;-] ”


Ø Mr. Xavier Randol: “The Servant”



Continuation of Chapter 3, the Adolescence of the Servant




                       Ang High School life ko dati, ang masasabi ko, Masaya, na madaming pagsubok at madaming tukso. Paano ko nasabi? Eh kasi sa araw-araw, sa tuwing papasok ako sa school. Napapatingin ako sa mga crushes ko, na puro babae pa yun ha! (Pero hindi ko na masyadong ikukuwento yun kasi alam kong hindi kayo interisado dun.) Alam nyo naman diba? Kapag binatilyo ka, di mo maiiwasang ma-inlove sa mga kaklase mong mga babae. Kasama na dun ay yung nalilibugan ka sa kanila. Eh ang tipo ko pa naman nun eh, maganda, mabait at may sense of humor. Pero lagi akong basted noon, oo totoo yan, siguro nga lalake talaga ang nararapat para sa akin kasi angkarron din kasi ako ng crush na high school classmate ko na lalake. Nung nasa second year, high school ako. Itago na lang natin sa pangalang Mr. Rainbow, bakit Mr. Rainbow kasi yung totoong name niya ay galing sa pinag-dugtung-dugtung na mga letters ng mga colors ng rainbow.




                     Mas matanda sa akin ng isang taon si Mr. Rainbow, 15 years old ako nun at siya ay 17 years old. Mga 5”11 ang height, mahilig mag basketball , kaya medyo kayumanggi ang kulay, at medyo hawig kay Andrew Wolfe. Hawig lang naman ehehe… siya lang yung nag-iisang crush ko na lalake sa high school. Na ipinagtapat ko pa sa ate ko.



                       Medyo mayabang si Mr. Rainbow, kasi nga may hitsura, at naglalaro nga ng Basketball, at merong medyo maskuladong pangangatawan. Ang tawag nga ng mga kaklase ko sa kanya dati ay Sakuragi, lam nyo yun? Yung Japanese cartoon character sa Slam Dunk. Favorite niya kasi yun, at yun ang gustung-gusto niyang itinatawag sa kanya lalung-lalo na kapag naglalaro siya ng basketball sa court malapit sa school namin.



                          Kung inaakala nyo eh nagpapakita ako ng pagka-gusto sa kanya eh yan ang hindi ko ginawa. Kasi may pinopormahan siyang babae nun, taga- ibang section. Na naging girlfriend din niya. at tsaka kasi natatakot din ako nab aka hindi na niya ako pansinin kapag inamin ko sa kanya na gusto ko siya noon. Eh best friend pa naman kami noon, bukod pa sa best friend ko na medyo malamya at medyo bading ang kilos na si Ariel. Oo, may friend na naman po akong alanganin, ehehe… wish ko lang nag-landi na ako noon , I mean, nag-ladlad na ako nung nasa high school pa ako, pero di ko ginawa dahil sa takot ko sa parents ko at dahil sila ang nagpapa-aral sa akin noon. So yun na nga, kuntento na ako noon, sa mga araw na kasama ko si Mr. Rainbow sa school, yung mga nakaw na pasulyap-sulyap sa kanya at pag-day dreaming sa kanya. Mayroong isang eksena sa high school life ko na hinding-hindi  ko malilimutan, yun ay nung nasa boys c.r kami ng school namin. Katatapos lang naming, mag-linis ng classroom namin, nang mag-pasama siya sa c.r, naka sando at naka school pants siya nun, eh ang dumi na ng katawan niya, kaya ang ginawa niya eh hinubad niya ang kanyang sando. Natulala ako nun ng sandal nang Makita ko ang medyo maskulado niyang katawan, ang kinis ng balat niya, at may abs din siya. Yun nga lang walang carpet sa dibdib ehehe… wala siya nun. Eh ako yung nagbubuhos ng tubig sa kanya nun, kaya pasulyap-sulyap ako sa kanya, sa kanyang mga braso, dibdib, at abs, pero umiiwas ako ng tingin, baka kasi mapansin din niya. hindi naman niya pinabasa ang buong  katawan niya, yung kanyang mga braso mga binti at mga paa lang. pero nag-init pa rin ang pakiramdam ko nun, paano pa kaya pag nakita ko siyang nakahubad? Sabi ko sa sarili ko. Kaya kapag nag-jajakol ako eh iniimagine ko siya nun. Yung alam nyo na, yung ka-sex ko siya, pero hindi pa rin yun nagkakatotoo hanggang ngayon.  Nagkikita pa rin kami ni Mr. Rainbow ngayon, isa na siyang Mekaniko, nag-mature na rin ang hitsura niya. nagka-balbas ng konti at tumangkad. Humahanap pa din ako ng tiyempo, kung kailan ko sasabihin na crush ko siya noon, na gusto ko siya noon. At ito ay nai-share ko sa Dear Kuya. Sa Comments Section.



Tapos…

No comments:

Post a Comment